Ang Iba't ibang kultura ng Batangas |
Mga Kultura at Yamang Likas sa Batangas
Ang ating bansa ay sadyang mayaman pagdating sa kultura at mga likas na tanawin. Sa 7,107 mga isla, isa na dito ang probinsya ng Batangas. Ito ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. Pagtawid sa Verde Island Passages sa timog, matatagpuan ang Mindoro at sa kanluran naman ang Timog Dagat Tsina.Sadyang sagana talaga ang Batangas sa iba't ibang antas, Tara na at tayo ay lumibot at tuklasin ang mga nagsisigandang tanawin na sa Batangas lang makikita!
Taal Volcano and Crater Lake
Ito ang pinakasikat na atraksyon sa Batangas, ito ay ang Taal Volcano at ang Crater Lake. Marahil ito ay aktibong bulkan ngunit mayaman din ito sa mga yamang tubig tulad ng ‘tawilis’ na sa Batangas lang makikita. Makikita ang Taal Volcano at ang Crater Lake sa San Nicholas, Batangas.
Cape Santiago Lighthouse
Ang Cape Santiago Light House ay isang instraktura sa Calatagan, Batangas na unang tinayo at tinatayang 100 taon na ang edad. Matatanaw naman nito sa taas ang yamang tubig , ang Burot Beach.
Nasugbu Beach
Ang Batangas din ay pinalilibutan ng mga anyong tubig. Kaya marami din ditong pinagkukuhanan ng mga yamang tubig, hindi lang iyon maari ring maging tourist attraction isa na rito ay ang Nasugbu Beach.
Caleruega Church
Ang Caleruega Church ay isa sa mga Cultural Cathedral ng Batangas. Masasabi natin na paborito itong puntahan ng mga nature –lover, photographers at magsisipagkasal dahil sa ang king ganda nito sa loob at labas ng simbahan.
Layo at Oras mula Metro Manila hanggang Batangas
Resource: googlemap.com
Ang layo nito mula sa Metro Manila papuntang Batangas ay 106.5km at oras nito ay pumpatak ng isang oras at 22 minuto kapag dadaan ka ng South Luzon Expressway at Southern Tagalog Arterial Road.